Friday, August 13, 2010

Bohol Bee Farm Restaurant


CHOCOLATE HILLS, Bohol
Etong nakaraang Holy week, nagdecide kami ni Da mag-bakasyon sa Bohol.  First time ko pumunta. First time ko rin makasakay ng SuperCat.

Nag-tour kami sa mga famous tourist spots; ang Baclayon Church, Butterfly Farm, Hinagdanan Cave, nadaanan din namin ang man-made forest, nakipagkawayan sa mga Tarsier at ang napakagandang view ng Chocolate Hills. Dahil sa maulan ng araw na yon, nag mukhang freshly baked ang chocolate hills.

Pagkatapos ng aming tour, nag-stay kami sa Bohol Bee Farm. Noong nakita ko ang website, I told Da, kailangan mapuntahan ntin ang Bee Farm. So we booked overnight!

Hindi lamang dahil sa ito lamang ang resort na may ganitong feaures (farm), kundi ang mga food nila dito ay fresh from the farm. Hindi rin naman mahal ang accomodation dito. tatlo kami pero ang room na kinuha namin ay pang 6 na tao.

Dinner time!! para hindi kami mahirapan mag-isip ng oorderin naisip namin mag-buffet. pero di tulad ng ibang buffet dito walang long table.. ire-refill nila ang mga plato namin. Ang kakaibang experience ay..

  •  ang kumain ng edible flower (bulaklak) kasama sa salad. lasang lettuce na medyo matamis, crunchy konti.
  • Ang Cabcab na gawa sa cassava. na nagsilbing parang Nachos.
  • mga homemade spreads
  • Camote rice and Camote bread
  • Buko Pasta
  • Malunggay Ice cream at Ginger Ice Cream; lasang green tea na minty flavor
  • 500php bawat isang tao. (well, hindi 'to kakaiba, isinama ko na lang)
Tulad din naman ng ibang hotel, malinis at maayos ang mga kwarto at facilities nito.
Biro nga namin kung mayaman lang kami, pupunta kami ng Bohol (one day trip) para lang kumain dito!!



Overall
Room and Toilet: Clean, Good
Food: Satisfactory
Service: So-so
Value for money: Room-Cheap, Food-not too expensive

HoneyComb Suite

Squash Muffins, Camote Bread, Cab-cab, Three flovered spreads

First Plate; Grilled Marlin, Honey Glazed chicken, Baked Ribs   Second Plate; Veggie Lasagna
Buko Pasta

Grilled Shrimp with Organic Salad and Camote Rice

0 comments:

Post a Comment

Happy to hear your thoughts too..